HomeAbout UsProjectsMembershipWays to DonateBe InvolvedGalleryContact Us
Thru FB Post from Ms. Michelle N. Nueva

Granddaughter of Tulong Gulong BeneficiaryLola Evelyn Natividad of Sta. Rosa, Laguna

“Labis ang aming pasasalamat at kagalakan sa wheelchair na aming natanggap para kay Lola Evelyn "Lina" Natividad mula sa Medicard Foundation. Ang saya ay bakas na bakas sa kanyang mukha kanina pagkakita niya nito. Ako ang umaakay sa kanya sa tuwing may kailangan kaming puntahan at batid ko na unti-unti ng humihina ang kanyang mga paa. Ngayon, makakapagpatuloy na siya sa mga bagay na nais niyang gawin lalong lalo na sa darating na gawain sa aming simbahan.

Sa Medicard Foundation, maraming salamat hindi kayang matumbasan ng kahit anong salita ang aming kagalakan. Nais ipaabot ni Lola "Taos pusong pasasalamat ko sa buong Medicard Foundation at sa mga taong nasa likod ng ganitong gawain. God bless sa kanila". Tunay nga pong malaki ang naitutulong ninyo sa ating lipunan. Dalangin namin na higit pang pagpalain ang inyong gawain at maging daluyan kayo ng pagpapala para sa mga nangangailangan. Nawa ay patuloy kayong makapagbigay ng ngiti sa iba katulad ng ngiti na nakita ko kay Lola kanina.

Higit sa lahat sa ating Panginoon. Ang papuri ay sa Iyo. Tunay nga na napakabuti mo. Alam mo ang pangangailangan ng bawat isa sa amin. Alam ko na hindi by accident ang paglapit ko sa Medicard Foundation, you used people as channel of your blessings. Napakabilis ng iyong pagtugon. I just prayed hard last Sunday and after one day answered prayer na! You truly amazed me! Love you bigtime.”