HomeAbout UsOur ProjectsMembershipWays to DonateBe InvolvedGalleryContact Us
Testimonials
Thru FB Post from Ms. Michelle N. Nueva

Granddaughter of Tulong Gulong BeneficiaryLola Evelyn Natividad of Sta. Rosa, Laguna

“Labis ang aming pasasalamat at kagalakan sa wheelchair na aming natanggap para kay Lola Evelyn "Lina" Natividad mula sa Medicard Foundation. Ang saya ay bakas na bakas sa kanyang mukha kanina pagkakita niya nito. Ako ang umaakay sa kanya sa tuwing may kailangan kaming puntahan at batid ko na unti-unti ng humihina ang kanyang mga paa. Ngayon, makakapagpatuloy na siya sa mga bagay na nais niyang gawin lalong lalo na sa darating na gawain sa aming simbahan.

Sa Medicard Foundation, maraming salamat hindi kayang matumbasan ng kahit anong salita ang aming kagalakan. Nais ipaabot ni Lola "Taos pusong pasasalamat ko sa buong Medicard Foundation at sa mga taong nasa likod ng ganitong gawain. God bless sa kanila". Tunay nga pong malaki ang naitutulong ninyo sa ating lipunan. Dalangin namin na higit pang pagpalain ang inyong gawain at maging daluyan kayo ng pagpapala para sa mga nangangailangan. Nawa ay patuloy kayong makapagbigay ng ngiti sa iba katulad ng ngiti na nakita ko kay Lola kanina.

Higit sa lahat sa ating Panginoon. Ang papuri ay sa Iyo. Tunay nga na napakabuti mo. Alam mo ang pangangailangan ng bawat isa sa amin. Alam ko na hindi by accident ang paglapit ko sa Medicard Foundation, you used people as channel of your blessings. Napakabilis ng iyong pagtugon. I just prayed hard last Sunday and after one day answered prayer na! You truly amazed me! Love you bigtime.”

 
Thru FB Post from Mr. Bobby and Mrs. Aires dela Cruz

Founding Advocates, Project Backpack

“Maraming Salamat po! To God be the glory! May God continue to bless MediCard Foundation! Thank you sa lahat ng mga nag donate... They never thought na may makakarating doon sa kanilang barrio.. It will take 1 hour land travel and almost 1 hour travel paakyat ng bundok.. Salamat sa mga walang sawang sumusuporta sa Project Backpack. (on MFI’s support to this year’s Project Backpack in Quirino Province last June 9 & 10, 2017)

 
Thru E-mail from Ms. Myrna G. Reyes

Human Resources Director, Lyceum of the Philippines University

“In behalf of LPU COSel, please allow me to thank your organization for a fulfilling and heartwarming outreach, Medical and Optha Mission in Masla last Friday. Your teams' invaluable time, efforts and material contributions to the Indigenous Peoples community in General Nakar are truly commendable. We hope to have the opportunity of collaborating with you again in the future.” (on LPU’s partnership with MFI’s MediCaravan Para sa Bayan in General Nakar, Quezon last March 31, 2017)

 
Thru FB Post from Kagawad Anne Hizon-Santos

Barangay Dampalit, Malabon City

“Hindi niyo lang po alam kung paano niyo napasaya ang mga magulang ng mga batang natuliANNE... Salamat po!! Thanks for giving my fellow KaDAMPALITS a MediCard touch... Truly grateful for what you've shared... Keep it up!!” (on MFI’s Oplan Tuli 7 in Malabon City last April 21, 2017)

 
<< Start < Prev 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 Next > End >>

Page 1 of 25